Sec. Duque, posibleng isama sa mga iimbestigahan ng NBI kaugnay sa “ghost” dialysis claims

104

Posibleng isama si Health Secretary Francisco Duque III sa mga iimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa multibillion peso bogus claims na binayad ng PhilHealth sa Dialysis Treatment Centers.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra – bilang dating chief executive officer ng PhilHealth si Duque, mahalagang masilip din ang naging papel ng kalihim sa scam.


Si Duque ay nagsilbing CEO ng PhilHealth mula 2001 hanggang 2005 bago maitalaga bilang DOH secretary noong 2005 sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Facebook Comments

From Advertisers