Sec. Duque, sinisingil na ng mga health worker sa ipinangako nitong SRA

55

Sinisingil na ulit ng mga health worker si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa mga COVID-19 benefits na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila natatanggap.

Sabi ni Alliance of Health Workers (AHW) President Robert Mendoza, ipinagtataka nila kung saan napunta ang halos P2.7 billion na pondong inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) para sa Special Risk Allowance (SRA) ng mga health worker.


Aniya, magpapasko na pero hindi pa rin nila nararamdaman ang ipinangakong benepisyo ni Duque.

“Nakakalungkot po ‘no, kasi kahit nga po yung ating presidente, si President Duterte, binigyan sila ng 10 days pero hindi rin natupad,” giit ni Mendoza.

Facebook Comments