Sec. Eduardo Año, nagpapahinga lang at ‘di totoong nasa ICU

72

Nilinaw ng Information Office ng Department of the Interior and Local Government Unit (DILG) na nakabakasyon lang si Interior Secretary Eduardo Año, taliwas sa lumutang na impormasyon na nasa Intensive Care Unit (ICU) umano ang kalihim.

Ayon kay DILG Information Head Tess Vergara, katatapos lang magpa-checkup ni Sec. Año na kasalukuyang nagpapahinga sa hindi binabanggit na ospital.


Dagdag ni Vergara, nilulubos lang ng kalihim ang kaniyang natitirang vacation leave at magbabalik sa trabaho sa katapusan ng buwan.

Magugunita na dalawang beses naospital ang kalihim dahil sa COVID-19 na lumitaw na parehong negatibo.

Facebook Comments