Sec. Guevarra, tiniyak na bibigyang prayoridad ang apela ng mga nakatatandang inmates sa Bilibid

52

Manila, Philippines – Tiniyak ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ina-aksyunan ng ng Department of Justice o DOJ ang mga panawagan ng mga nakatatandaang bilanggo sa New Bilibid Prison o NBP na makalaya sila sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Guevarra, partikular na uunahin nila ang persons deprived of liberty o PDLs na matanda na at may mga karamdaman.


Aminado naman si Guevarra na ang executive clemency pa rin mula sa presidente ang pinakamabilis na paraan para agad na makalaya ang mga PDL na may edad na at may sakit.

Una nang umapela kay Bureau of Corrections o BuCor Director General Gerald Bantag ang mga PDL na senior citizen mula sa Minimum Security Compound ng Bilibid na sila ay palayain na.

Facebook Comments

From Advertisers