SEC, hinamon ang mga opisyal ng Kapa na ilabas ang kanilang financial statement

165

Manila, Philippines – Hinamon ng Security Exchange Commission o SEC ang mga opisyal ng Kapa-Community Ministry International na ipakita ang kanilang financial statement.

Ayon kay SEC Chairman Emilio Aquino, ito ay para maipakita ng Kapa na hindi nila niloloko ang milyon-milyon nilang mga miyembro.


Sa katunayan aniya 12 search warrant na ang naipatupad nila sa mga branch ng Kapa sa buong bansa.

Maliban sa Kapa, sinabi ni Aquino na may lima pang grupo ang hinahabol nila dahil rin sa pang-i-scam.

Kabilang na rito ang Organico Agribusiness Venture Corp, Ada Farm and Agri Ventures, Almamico Alam Ko, Rigen Marketing at Ever Arm Any Marketing.

Kasabay nito, nanawagan si PNP spokesman Police Colonel Bernard Banac sa mga nabiktima ng mga investment scam na lumutang at magsampa ng kaukulang reklamo.

Facebook Comments

From Advertisers