SEC, nagbigay ng go signal para sa pagbuo ng entity na magsisilbing mobile number portability service provider

64

Nagbigay ng go signal ang Securities and Exchange Commission (SEC) para sa pagbuo ng entity na magsisilbing mobile number portability service provider.


Ayon sa Globe Telecom – nakatanggap na sila ng approval mula sa SEC para sa incorporation ng Telecommunications Connectivity Inc.

Ang nasabing entity incorporation ay may kaugnayan sa joint venture ng Globe, PLDT-Smart, ikatlong telco na dito telecommunity kung saan kinuha nila ang Florida-based Syniverse Technologies bilang mobile number portability service provider.

Ang hakbang na ito ay alinsunod sa Republic Act 11202 o Mobile Number Portability Act na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ilalim nito, pwedeng magpalipat-lipat ng network ang subscriber na hindi nagbabago ng mobile number.

Facebook Comments