Sec. Piñol, inabswelto ng PACC sa korapsyon

43

Manila, Philippines – Inabswelto ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) si Agriculture Secretary Manny Piñol sa isyu ng korapsyon.

Ayon kay PACC Chairman Dante Jimenez, dumaan sa pitong buwang lifestyle check si Piñol at walang nakita ang komisyon na mayroon itong hindi maipaliwanag na kayamanan.


Aniya, boluntaryong sumailalim sa lifestyle check ang kalihim matapos ito ay matapos ang mga balita na nakinabang ito sa rice importation deals ng ibigay sa Department of Agriculture (DA) ang pangangasiwa sa National Food Authority (NFA).

Sabi pa ni Jimenez, ang naturang resulta ng imbestigasyon nila kay Piñol ay isusumite kay Pangulong Rodrigo Duterte kasama na ang mga nakalap nilang dokumento.

Facebook Comments

From Advertisers