Sec. Roque, naglabas ng sama ng loob sa media

278

Kasunod nang nag-trending na Bantayan, Cebu event ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque kamakailan kung saan lumabag umano siya sa health and safety protocols, naglabas ng sama ng loob ang kalihim sa ilang mga kawagad ng media.

Ayon kay Roque, sa 4 na dinaluhan nyang event sa Cebu paulit-ulit nyang sinabihan ang mga tao na sumunod sa safety protocols tulad ng social distancing.


Hindi aniya sukat akalain na dudumugin siya ng publiko at nakipagkamay pa ang ilan.

Kasunod nito, kinumpara pa ni Roque ang ilang events ni Vice President Leni Robredo kung saan may mga litrato na dinumog din ito ng tao at nakipagkamay rin.

Aniya, pinalampas niya ito pero nang sa kanya mangyari ang kahalintulad na insidente ay agad syang pinuntirya at binanatan ng ilang kagawad ng media.

Giit ng kalihim, nawa’y maging patas ang lahat ng media sa pagre-report.




Kaugnay nito, handa naman umano siyang humarap sa anumang imbistigasyon.

Facebook Comments