Secretary Esperon, hindi pagaaksayahan ng panahon ang mga akusasyon ni Atong Ang

Manila, Philippines – Hindi magsasayang ng panahon si National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon para sa kilalang gambling lord na si Charlie Atong Ang.

Ito naman ay sa harap narin ng akusasyon ni Ang na isa si Esperon sa mga nagpaplanong siya ay ipapapatay.

Ayon kay Esperon sa briefing sa MalacaƱang, hndi na siya kailangang makisali pa dahil marami na aniyang gustong mawala si Ang.


Paliwanag pa ni Esperon, ang dahilan kung bakit hinahabol nila si Ang ay dahil sa illegal gambling operations nito na isa naman sa gustong mawala ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Una nang inakusahan ni Ang sina Esperon at Justice Secretary Vitallano Aguirre at ilang miyembro ng Class 82 ng PMA na nagpaplanong siya ay ipapatay.

DZXL558

Facebook Comments