Secretary Salvador Panelo, hinamong anim na buwang mag-commute

Hinamon ng isang grupo ng mga mananakay si Presidential Spokesperson Salvador Panelo na anim na buwan niyang ang pag-biyahe mula sa kanilang bahay papasok sa Palasyo ng Malacañan.

 

Ayon sa grupong ‘kongreso ng mananakay’, hindi sapat ang isang araw na pag commute ni Panelo upang malaman ang hirap na dinaranas ng mga commuters.

 

Samantala, tinanggihan naman ito ni Panelo at sinabing wala nang dahilan upang gawin niya ulit ang nasabing hamon.


 

Ayon kay Panelo, alam ng gobyerno ang hinaing ng publiko sa traffic at ginagawan aniya ito ng solusyon ng pamahalaan.

 

Matatandaang noong Biyernes ay inabot ng 3 at kalahating oras ang kalihim sa kanyang pagbibiyahe mula sa kanilang bahay papasok ng palasyo bilang pagtanggap sa hamon ng ilang mga grupo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Facebook Comments