Security agency na nakatalaga sa Resorts World, binigyan ng 24 oras ng PNP SOSIA para magsumite ng inisyal report sa pag-atake ng gunman

Manila, Philippines – Inoobliga ngayon ng PNP SOSIA o Supervisory Office for Security and Investigation Agencies ang security agency na nagbibigay ng seguridad sa Resorts World na magsumite ng initial report kaugnay sa pag-atake sa lugar ng isang gunman kaninang madaling araw.

Ayon kay PNP SOSIA director, Chief Supt. Jose Espino, 24 oras ang ibinigay nyang palugit para makapag submit ang security agency na NC Lanting Security Specialist ng inisyal na report sa pangyayari.

Sa susunod na linggo aniya, iimbitahan din nila ang management ng Resorts World maging ang mga security guards na naka-duty nang mangyari ang insidente ito ay upang matukoy kung paano nakapasok sa gusali ang nasawing gunman na armado.


Sinabi pa ni Espino na matagal na nilang inuutos o nakasaad sa mga ipinatutupad nilang patakaran sa mga security agencies na sunding ang kanilang direktibang paigtingin ang istriktong pag-iinspeksyon sa mga bags ng mga kliyente sa kanilang mga sasakupang area at ang maigting na pagpapatupad ng security measures.

Kaya nagtataka aniya sila bakit nakapasok ang armadong lalaking ito sa Resorts World.

Dapat aniyang ipaliwanag ito ng NC Lanting Security Specialist Agency.
DZXL558

Facebook Comments