Security agency ng Resorts World Manila, pinatatawag ng PNP

Pinatatawag ng Philippine National Police Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) ang security agency na may hawak sa Resorts World Manila.

Ito’y para magpaliwanag sa ginawang pag-atake ng nag-iisang gunman at kung paano ito nakapasok sa hotel-casino.

Ayon kay PNP-SOSIA Director, Chief Supt. Jose Mario Espino – binigyan na lamang nila ng 24-oras ang management ng Resorts World maging ang mga security guards na naka-duty nang mangyari ang insidente.


Aalamin rin aniya kung bakit hindi maayos na na-evacuate ang mga tao sa loob ng Resorts World Manila.

Magsasagawa din ng sariling imbestigasyon ang PNP-SOSIA ukol sa insidente upang matukoy ang posibleng lapses sa panig ng mga security guard.

Ang NC Lanting Security Specialist ang Security Agency na nagbibigay seguridad sa Resorts World.
DZXL558

Facebook Comments