Security analyst, suportado ang matapang na tweet ni Locsin laban sa China

16

Sinuportahan ng isang security analyst si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., kasunod ng matapang nitong pahayag laban sa China.

Ito ay makaraang mabigo ang Beijing na mapaalis ang lahat ng kanilang mga barko sa West Philippine Sea.


Ayon kay Anders Corr ng New York-based Corr Analytics, ang post ni Locsin sa Twitter kamakailan ay “breakthrough” pagdating sa kung paano tinutugunan ng bansa ang maritime dispute nito sa China.

Kahanga-hanga aniya ang katapangan ni Locsin at ang pagiging prangka nito sa China.

Naniniwala rin si Corr na humingi lamang ng tawad si Locsin sa kanyang Chinese counterpart kahapon at hindi sa China.

Facebook Comments