Timbog ang Isang 44-anyos na security guard sa ikinasang buy-bust operation ng awtoridad sa Dagupan City.
Sa isinagawang operasyon nasamsam sa suspek na residente ng Binmaley ang tinatayang 10 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 68,000.00.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at mahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments