Security personnel ng Resorts World Manila, naghain na ng salaysay sa PNP-SOSIA

Manila, Philippines – Nagpunta sa tanggapan ng Philippine National Police Supervisory Office for Security Investigation Agencies ang mga security guard na naka-duty nang mangyari ang pag-atake sa Resorts World Manila nitong Biyernes (June 2).

Ayon kay Sr. Supt. Ildebrandi Usana, assistant chief ng PNP-SOSIA, sasailalim sa imbestigasyon ang mga security personnel matapos na malusutan ng gunman na si Jessie Javier Carlos.

Nanindigan naman ang naka-duty na security guard na si Edwin Ciriaca na may dala siyang 9mm na baril.


Ayon kay Ciriaca, mas pinili niyang hindi paputukan ang suspek sa pangambang madamay ang mga guest ng Resorts World.
DZXL558

Facebook Comments