SEGURIDAD | Anibersaryo ng CPP, pinaghahandaan na ng PNP

50

Manila, Philippines – Pinaghahandaan na ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad para sa anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa December 26.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde – hindi kasi malayong manggulo ang komunistang grupo.

Pangunahing dahilan din ang banta ng mga komunista kaya inilabas ng Malacañang ang memorandum order 32 para sa dagdag-pwersa ng pulis at militar sa Bicol Region, Samar at Negros Provinces.

Ayon kay Albayalde, nagpadala na sila ng mga tropa ng Special Action Force (SAF) bilang paghahanda sa posibleng karahasan sa CPP anniversary.

Nakatakda ring itaas ng PNP ang alerto nito sa buong bansa sa nasabing araw.

Facebook Comments