Seguridad ng publiko, tiniyak sa ilalim ng inamyendahang Doble Plaka Law

Tiniyak ni Senator JV Ejercito na matitiyak pa rin ang seguridad ng publiko sa pagkakaamyenda ng “Doble Plaka Law” o ang Motorcycle Crime Prevention Act.

Sa ilalim ng inaamyendahang batas na nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos, inalis na ang kontrobersyal na metal plate requirement at isinusulong ang pagpapataw ng mas makatwirang multa na layong tugunan ang discriminatory provisions sa riding community.

Mas pinahusay rin aniya ang registration at identification system para sa mga motorista.

Sinabi pa ng senador na ang bagong batas ay patas at may common sense dahil masisiguro ang seguridad ng publiko na hindi na napipinsala ang mga inosenteng riders.

Dagdag pa ni Ejercito, inaasahang solusyon din ito sa mahigit 10 milyong backlog sa plate numbers dahil sa pag-alis ng doble plaka.

Facebook Comments