Seguridad sa bawat school na pagdadausan ng NCAA games, pina-plantsa na

Manila, Philippines – Siniguro ngayon ng management committee ng NCAA na ligtas ang mga players sa bawat campuses na paggaganapan ng kanilang basketball tournament sa nalalapit na season 93.

Nabatid na hahawakan ng Letran, Arellano, Mapua, San Sebastian College-Cavite, Emilio Aguinaldo College at Perpetual Help ang mga laro ng seniors at juniors division sa first round.

Kanila naman pag-uusapan kung saan campuses gaganapin ang second round kung saan nagsagawa na din sila ng ocular inspection sa mga nasabing eskwelahan para sa palnong home and away games.


Sinasabing nag-desisyon ang NCAA committee na gawin ang ganitong klase ng format para mas lalo daw mailapit sa mga fans ang bawat laro nito.

Facebook Comments