Seguridad sa Iligan at Cagayan De Oro City – mas hinigpitan kasunod ng posibleng pagpasok ng mga miyembro ng Maute Group; LGU’s – nakaalerto na

102

Manila, Philippines – Mas mahigpitan ngayon ang ipinapatupad na seguridad ng Cagayan De Oro at Iligan City.

Kasunod ito ng pag-amin ni AFP Spokesperson B/Gen. Restituto Padilla na posibleng nakalusot na ang ilang mga miyembro ng Maute Group sa dalawang lugar lalo pa’t naaresto na ang hinihinalang bomb maker na si mohammad Noaim Abdul Maute na kilala rin bilang Abu Jadid.


Sa press briefing, sinabi ni Marawi Crisis Management Committee Spokesperson Zia Adiong na walang dapat ikaalarma ang mga residente dahil mas paiigtingin pa ng mga otoridad ang mga checkpoint sa lugar para siguraduhin na hindi na madaragdagan ang bilang ng mga nakalusot na Maute.

Kasabay nito, nagpasalamat naman si adiong ang tulong ng LGU’s kaugnay sa mga galaw ng Maute Group.

Nakaalerto na din ang mga LGU’s sa presensya ng teroristang grupo.

Facebook Comments