Seguridad sa Iligan City mas paiigitingin ng Kapulisan

Iligan City –  Mas  paiigtingin  pa ng  kapulisan sa  lungsod  ng iligan  ang  seguridad kahit pa naideklara na ni PresidenteRodrigo  Duterte  na Malaya  na  ang  marawi  city sa  mga kamay  ng teroristang ISIS-Maute.
 
 
  Sinabi  ni  PNP  City  Director Police  Senior  SuperintendentLeony  Roy  Ga  na  may natanggap  kasi  silang report na may mga  miyembro  ng teroristang grupo na nakatakas sa  marawi  atposibleng  nasa  ibat-ibang  lugar  ngayon  ngMindanao.
 
 
  Ayon kay Ga, mas mainamnang mapaghanda kung ano man yung masasamang balak ng ibang miyembro ngISIS-Maute kay sa malusotan sila nito.
 
 
  Sa  ngayon  ay  patuloy pa  rin nilang  pinapatupad  ang  mahigpit  na pagbabantay sa mga checkpoints paramasigurong ligtas at maayos ang seguridad ng lungsod.
 
 
  Kahit ang curfew  hour  sa lungsod  ay nagpapatuloy pa rin simula alas onse nanggabi hanggang alas kwatro ng madaling araw. (Ghiner L. Cabanday, RMN Iligan)

| | Virus-free. www.avast.com |

Facebook Comments