Seguridad sa matataong lugar – mas pinaigting kasunod ng pag-atake sa Resorts World

Manila, Philippines – Kasunod ng pag-atake sa Resorts World Manila – pinaigting ang seguridad sa paliparan, mga istasyon ng tren, shopping mall pati na ang Malakanyang.

May mga itinalaga ring checkpoints – pero giit ni NCRPO Director Oscar Albayalde hindi terror attack ang nangyari.

Sinabi din ni Presidential Spokesman Ernesto Abella – na walang derektang koneksyon sa terorismo ang insidente.


Kasabay nito – nanawagan ang mga otoridad sa publiko na huwag mag-panic at maging kalmado lang.

Umapela rin sila sa netizens na huwag magbigay ng mga pekeng balita at impormasyon na nagiging sanhi ng tensyon.

DZXL558

Facebook Comments