SELEBRASYON | Feast of Immaculate Conception, ginugunita ngayong araw

109

Ginugunita ngayong araw, December 8 ng mga Katoliko ang kapistahan ng Immaculate Conception.

Pangungunahan ni Cardinal Thomas Aquinas Manyo Maeda ang mga misa sa Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila katuwang si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagles.

Ang mga misa ay gaganapin ng alas-7:30 ng umaga at alas-6:00 ng gabi.

Ilang Catholic schools, simbahan, Marian shrines ay inaasahang magsasagawa ng vigils, special devotions, candle offerings at pagdarasal ng rosaryo bilang paggunita sa selebrasyon.

Matatandaang taong 1858 sa Lourdes, France ay nagpakita ang mahal na birheng Maria kay St. Bernadette Soubirous sa pamamagitan ng aparisyon at nagpakilalang Immaculate Conception.

Facebook Comments