Selebrasyon ng Pasko sa Cotabato City naging matiwasay!

24

Nagpapasalamat ang pamunuan ng City PNP at City LGU matapos na maipagdiwang ng mapayapa ang kapaskuhan sa buong syudad.
Sa impormasyon mula mismo kay CD Rolly Octavio, walang major untoward incidents ang naitala kasabay ng selebrasyon ng kapaskuhan.
Kaugnay nito lubos ang pagpapasalamat ng mga otoridad dahil na rin sa pakikiisa ng mga taga Cotabato sa kanilang naging panawagan at kampanya .
Umaasa naman ang mga ito na magtuloy- tuloy ito hanggang sa pagdiriwang ng bagong taon ang ganitong sitwasyon.
Matatandaang mariing iniimplementa sa syudad ang firecracker ban habang nauna na ring sinilyohan ng mga kapulisan ang barrel ng kani kanilang mga armas para maisigurong walang lalabag sa pagpauputok ng baril.

Facebook Comments