Self-confessed hitman na si Arturo Lascañas, babalik sa bansa sa susunod na Linggo ayon sa Bureau of Immigration

81

Manila, Philippines – Nakatakdang bumalik sa bansa ang self-confessed Davao Death Squad leader na si retired police Arturo Lascañas.

Ayon kay Bureau of Immigration spokesperson Antonette Mangrobang, babalik sa Pilipinas si Lascañas sa April 22 (Sabado).

Matatandaang tahimik na lumabas ng bansa si Lascañas kagabi papuntang Singapore.

Sabi pa ni Mangrobang, ipinakita ni Lascañas sa Immigration Officers ang return ticket nito sa bansa mula Singapore sa April 22.

Samantala, sinabi ni Lascañas na may mga banta na maghahain ng kaso laban sa kanya at may mga tao na naghahanap sa kanya kaya siya umalis sa bansa.
Nation”

Facebook Comments