SELF-DEFENSE | Lalaki, napatay ng pinagsasaksak niyang pulis sa Maynila

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki makaraan nitong pagsasaksakin ang isang pulis sa Sampaloc, Maynila, pasado alas dose kaninang madaling araw.

Base sa kuha ng CCTV camera, sakay ng motorsiklo ang pulis na si PO1 Gester Versosa, na dahandahang kumambyo patungo sa kabilang kalsada. Dito na siya hinabol ng 34 anyos na Reynaldo Lee ay inambahan ng saksak.

Nakatakbo pa ang pulis ngunit hinabol pa rin siya ni Lee, dahilan kung bakit niya ito pinaputukan ng baril, dahilan ng pagkamatay nito


Base sa salaysay ng mga nakasaksi, si Lee ay huling nakitang nakikipagtalo sa kaniyang ina bago ang nasabing insidente.

Humingi naman paumanhin ang pulis, at iginiit na dinipensahan lang ang kaniyang sarili. Hindi rin aniya niya kilala si Lee.

Patuloy ang ginagawang imbestigsyon ng mga awtoridad kaugnay sa insidente.

Facebook Comments