SELOS | Apat na lalaking tumulong sa suspek para itapon ang bangkay ng live-in partner, sumuko na

48

Pasay City – Sumuko na kahapon sa Pasay City Police ang apat na kalalakihang tumulong sa suspek na contractor na itapon ang bangkay ng live-in partner nito sa South Luzon Expressway (SLEX).
Kinilala ang mga sumuko na sina Laurence Anthony Phi, Melvin Astoxga, Russel­ Torres at Danilo Flores kung saan sumuko sila para hindi na lalo pang madiin sa kaso.
Sa imbestigasyon­, nagpatulong ang suspek na si Alfredo Torres sa apat para ikarga ang bangkay ng live-in partner nitong si Cla­ris­salyn Lizardo sa kanyang kulay pulang Nissan Honda accord na walang plaka hanggang sa itinapon sa SLEX sa Cabuyao, Laguna.
Nabatid na binaril hanggang sa mapatay ng suspek ang biktima noong Nobyembre 28 sa Maricaban, Pasay City dahil sa selos.
Una naman nadakip si Torres at ang mekanikong ka­sab­wat nito na si Gabriel Re­pasa, noong Sabado ng umaga (December 2).

Facebook Comments