SEMPLANG | Mag-asawa, nasagaan ng bus – isa sa biktima patay

Manila, Philippines – Dead on the spot ang isang babae na naka-angkas sa motorsiklo matapos masagasaan ng pampasaherong bus sa Don Mariano Marcos Ave. North Fairview Quezon City alas- onse kagabi.

Nakilala ang namatay na biktima na si Angelita Galan 62 yrs. old habang nasa malubhang kalagayan ang asawa nito na si Domingo Galan 60 yrs. Old.

Ayon kay SPO2 Rabindranath Sierra sakay ng motorsiklo binabaybay ng mag-asawa ang nasabing lugar sa QC.


Dahil sa maputik at basa ang kalsada sumemplang ang mga biktima at tumilapon sa lane ng rumaragasang pampasaherong bus.

Pumailalim ang mag-asawa partikular sa bahagi ng makina.

Agad na binawian ng buhay ang babaeng angkas ng motorsiklo habang agad isinugod sa pinakamalapit na hospital ang kanyang mister.

Nasa kostodiya na ng traffic sector 2 ang driver ng bus na si Levie Jhon Manalo at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in physical injury with homicide.

Facebook Comments