Sen. Antonio Trillanes, humarap sa British Broadcasting Corportation kaugnay ng pagbatikos nito kay Pangulong Duterte

175

*Manila, Philippines – *Humarap si Senador Antonio Trillanes sa British Broadcasting Corportation (BBC) kaugnay ng pagbatikos nito kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa programang BBC hardtalk, sumalang si Trillanes sa mga mahigpit na pagtatanong ng host na si Stephen Sackur.
Iginiit ni Trillanes – plano ni Pangulong Duterte na magkaroon ng revolutionary government.
Sa kabila nito, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella – hindi sila nababahala sa mga pahayag ng senador.

Kasabay nito, inungkat ni Sackur na salungat ang pananaw ni Trillanes sa publiko dahil mataas pa rin ang rating ng pangulo.

Facebook Comments