Sen. Aquino, umapelang suspendehin ang excise tax sa langis kasabay ng oil price hike

92

Manila, Philippines – Umapela si Senador Bam Aquino sa Malacañang na suspendihin na ang excise tax sa langis sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ginawa ni Aquino ang panawagan sa Palasyo sa harap ng panibagong pagtaas sa presyo ng petrolyo ngayon.

Ayon kay Aquino, wala ngayong ibang matatakbuhan ang taumbayan maliban sa Malacañang dahil naka-break na ang session ang Kongreso.

Ikinatwiran ni Aquino na dahil sa pag-akyat ng presyo ng langis sa world market ay makabubuting kumilos ang pamahalaan para makatulong mapababa ang presyo nito.

Facebook Comments