Sen. Cayetano, lusot na sa CA committee level

80

Manila, Philippines – Inabot lamang ng dalawang minuto ang pagsalang ni Senator Alan Cayetano sa Commission on appointments o CA confirmation hearing at agad itong nakumpirma bilang bagong kalihim ng Dept. of Foriegn Affairs.

Binigyang lang ng pagkakataon ni CA committee on foreign relations chirman Senator Panfilo Ping Lacson si Cayetano na maglahad ng kanyang opening statement kung saan niya idinetalye ang kanyang mga accomplishments bilang mambabatas at public servant.


Walang miyembro ng komite ang nagtanong pa kay Cayetano at wala ding tumutol ng isulong ni Congressman Rubito Albano ang pagkumpirma sa appointment nito.

Mamayang ala una ng hapon ay sasalang si Cayetano sa CA plenary para pagtabayin ang kanyang kumpirmasyon bilang DFA Secretary.

ayon kay Senate Majority Leader Tito Sotto iii maari ng simulan ni Cayetano na gampanan ang bagong trabaho mamayang hapon o kaya ay bukas.
DZXL558, Grace Mariano

Facebook Comments