Sen. Cynthia Villar, nanatiling pinakamayaman sa hanay ng mga Senador

39

Manila, Philippines – Nanatiling si Sen. Cynthia Villar ang pinakamayaman sa hanay ng mga Senador.

Base sa isinumite nilang SALN o Statement of Assets, Liabilities and Net Worth – nasa 3.6 bilyong piso ang net worth ni Villar.

Habang si Sen. Antonio Trillanes IV ang lumalabas na pinakamahirap sa idineklara niyang net worth na P6.5 million.

Samantala – sumunod naman kay Villar na pinakamayaman ay ang pambansang kamao Manny Pacquiao na may net worth na mahigit P3.072 billion pesos.

Sinundan sila sa ikatlong posisyon ni Sen. Ralph Recto na may net worth na mahigit P522 million.

Pang-apat si Sen. Sonny Angara na may net worth na mahigit p123 million at pumasok sa top 5 si Sen. Migs Zubiri na may deklarasyong net worth na mahigit 121 million pesos.

* DZXL558*

Facebook Comments