Sen. De Lima, balik Kampo Krame matapos mabisita ang may sakit na ina

Nakabalik na ng PNP Custodial Center sa Kampo Krame si Senator Leila de Lima matapos bisitahin ang kanyang inang may sakit sa Iriga City, Camarines Sur kahapon.

Nabatid na naghain si De Lima ng petition for furlough para bisitahin ang kanyang 86-anyos na ina na nasa kritikal ang kondisyon at pinagbigyan ito ng korte.

Pinagbawalan naman ang senadora na magbigay ng interviews.


Nahaharap ang senadora sa trail dahil sa pagkakasangkot sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison.

Facebook Comments