Sen. de Lima, diretso sa pagdinig sa RTC Muntinlupa matapos bisitahin ang nanay na may sakit

Matapos makabalik mula sa Bicol muling haharap sa pagdinig si Senadora Leila de Lima sa Muntinlupa Regional Trial Court ngayong umaga.

Kaugnay pa rin ito sa kasong kinahaharap ng senadora patungkol sa illegal drug trade sa Bilibid.

Kung maalala nakadalaw sa Iriga, Camarines Sur si De Lima matapos payagan ng korte na bisitahin ang kanyang inang may sakit.


Kagabi nakabalik na ang senadora habang sa pagdinig ngayong umaga 5 testigo na lang ang inaasahang ihaharap sa prosekyusyon kabilang ang 3 high profile inmate sa Bilibid.

Ayon sa isa sa attorney ng prosecution, magandang maihahap sa korte ang mga testigo pero baka sa teleconference na lang ito dahil sa usapang seguridad.

Samantala, inaasahan din dadating sa hearing sa korte ang dating driver body guard ni de Lima na si Ronnie Dayan.

Facebook Comments