Sen. De Lima, tinawag na sinungaling si pork barrel scam queen Janet Lim Napoles kasunod ng akusasyon nitong kinikilan siya ng senadora

42
Manila, Philippines – Itinanggi ni Sen. Leila De Lima na kinikilan niya ang pork barrel queen na si Janet Lim Napoles.
 
Ito’y matapos ibulgar ni Napoles na kinakailangan niyang magbayad ng 50 milyong piso kay De Lima kapalit ng hindi pagbukas ng kasong serious illegal detention na inihain ng whistleblower na si Benhur Luy.
 
Ayon kay De Lima – hindi dapat pinapaniwalaan ang mga sinasabi ni Napoles
 
Binigyang diin ng senadora na napatunayang sinungaling si Napoles dahil kaya nitong gawin ang lahat para maisalba ang sarili at mapanatili ang kaniyang mga ninanakaw sa gobyerno.

RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila

Facebook Comments