Sen. Francis Tolentino, handang maging co-petitioner sakaling may maghain ng reklamo laban sa China

Handa si Senator Francis Tolentino na maging co-petitioner sakaling may maghain ng reklamo sa international court kaugnay sa pagsira ng mga Chinese militia vessels sa mga bahura sa Iroquois reef at Sabina Shoal sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Tolentino na handa siyang tumulong sa kaso basta’t ito ay hindi magiging conflict sa mga trabaho niya sa Senado.

Aniya, kung mayroon namang ibang grupo o indibidwal na may oras at resources na bumyahe sa ibang bansa para maghain ng reklamo at matutukan ang kaso ay ipapaubaya niya ito.


Nakahanda aniya siyang tulungan ang mga tatayong complainant na kinatawan ng bansa at magbibigay siya ng karagdagang materials para mapalakas ang reklamo at posisyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Samantala, mababatid na sinimulan na ng Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones na pinamumunuan ni Tolentino na talakayin ang panukala na pagkakaroon ng mapa ng maritime territories ng Pilipinas.

Facebook Comments