
Nilinaw ni Senator Imee Marcos na hindi nagkakagulo ang pamilyang Marcos at wala silang hidwaan ng kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos.
Ito’y sa gitna ng mga isyu pa rin sa pagitan nina PBBM at Vice President Sara Duterte kung saan ang binuong Uniteam ay sinasabing ang senadora ang nanguna.
Ayon kay Sen. Marcos, walang gulo sa loob ng kanilang pamilya at ang tanging nagpapagulo lang ay iyong mga nakapaligid sa kanyang kapatid at kay Duterte.
Dagdag pa niya, marami lang ang gumagawa ng tsismis, nagseselos at ambisyoso na gustong madaliin ang 2028.R
Umapela si Sen. Marcos sa lahat na hayaang tapusin nina Pangulong Marcos at VP Sara ang kanilang termino at itigil na ang mga pag-aaway-away.
Facebook Comments