Sen. Jinggoy Estrada, kumpiyansa sa inihain nitong reklamo laban kay dating DPWH Bulacan Assistant District Engineer Brice Hernandez

Kumpiyansa si Senator Jinggoy Estrada sa isinampa nitong reklamong apat na bilang ng “Perjury” laban kay dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan Assistant District Engineer Brice Hernandez sa Quezon City Prosecutor’s Office kaninang umaga.

Kaugnay ito ng pagdawit sa kaniyang pangalan sa maanomalyang flood control project sa nagdaang hearing sa Kamara at Senate Blue Ribbon Committee.

Ani ng Senador sinungaling si Hernandez at makikita naman ng taumbayan umano ito sa televised blue ribbon hearing.

Dagdag pa niya na patuloy ang paninira sa kaniya sa publiko dahil para sa kaniya ay siya ang most vulnerable sa mga senador dahil sa kaniya nakaraan.

Samantala, sinabi naman ng senador na hindi niya pa alam sa mga oras na ito kung matutuloy pa ang pagdinig sa korapsyon sa flood control project at tanging call ito ng magiging bagong chairman bg Blue Ribbon Committee kung itutuloy ito matapos ngang mag-resign sa posisyon si Sen. Ping Lacson.

Facebook Comments