Sen. Lacson, kumbinsido na binangga ng Chinese vessel ang Filipino fishing vessel

116

Kumbinsido si Senator Panfilo Ping Lacson na binangga ng isang Chinese vessel ang Filipino fishing vessel sa Recto Bank.

Diin ni Lacson, mismong si Philippine Navy Chief Vice Admiral Robert Empedrad ang nagsabi nito kaya hindi na dapat pagdudahan.


Ayon kay Lacson, kahit anong paliwanag ng China ay malinaw na isang criminal offense ang pag-abandona ng Chinese vessel sa mga mangingisdang Pilipino para mamatay sa karagatan.

Ikinadismaya pa ni Lacson ang pahayag ng Chinese foreign ministry spokesman na pinupilitika ang insidente.

Giit ni Lacson, dapat tiyakin ng Chinese government na mapaparusahan ang mga crew ng nabanggit na fishing vessel.

Facebook Comments

From Advertisers