Sen. Lacson, nagpaliwanag sa pagiging intresado niya sa financier ng paglabas sa bansa ni SPO3 Lascañas

207

Manila, Philippines – Nilinaw ni Senator Panfilo PingLacson na naiintindihan niya ang hinanakit ni SPO3 Arthur Lascañas at ang ginawa nitong pagalis ng bansa patungong Singaporekasama ang pamilya.
  Ang pahayag ay ginawa ni Lacson makaraang sabihin nilascanas na ito dapat ang higit na makaunawa sa kanya.
  Sabi ni Lascañas, na katulad niya ay hinanap din ng mgaotoridad noon si Lacson pero ito ay lumabas din ng bansa.
  Paliwanag ni Lacson, kahit sya ay lumabas ng bansa noonay patuloy niya nilabanan ang kanyang kaso sa ilalim ng prosesong naayon saating judicial system.
  Nagdesisyon syang mag abroad para hindi magkaroon ngpagkakataon ang kanyang mga detractors na makita sya na nasa loob ngbilangguan.
  Diin ni Lacson, hindi niya pinagsisihan ang kanyangginawa at hindi niya sya kontra kung ganito rin ang nararamdaman ngayon ni SPO3Lascanas.
  Pero paliwanag ni Lacson, ang pagiging intresado niya safinancier ni Lascañas ay nagugat sa isyu na ito ay bahagi ng destabilisasyonlaban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
  Hanggang ngayon kasi aniya ay wala pa rin umaamin na nasalikod ng pag giba sa Duterte administration.
 

Facebook Comments