Sen. Manny Pacquiao, no comment sa kaniyang pagreretiro sa boxing

224

Manila, Philippines – Tumanggi si Sen. Manny Pacquiao na pag-usapan ang tungkol sa pagreretiro niya sa larangan ng boksing.

Sa isang interview, tinawanan lang ni Pacquiao ang mga mungkahi sa kanya na magpaalam na sa pagboboksing at tutukan na lang ang kanyang trabaho bilang senador.

Ayon sa pambansang kamao, ayaw na muna niyang pag-usapan ang tungkol dito at sa halip ay magpapalakas muna ulit siya.


Kasabay nito, itinanggi ni Pacman na kulang siya sa paghahanda kaya hindi na gumana ang kanyang knockout punch sa Australian boxer na si Jeff Horn.

Pero simula ngayong araw aniya, magsisimula na ulit siyang magreview ng mga panukalang inihain at ihahain niya sa senado.

Facebook Comments