Sunday, May 17, 2026

Sen. Marcoleta, mayroon umanong P500 million allocables mula sa DPWH

Kinumpirma ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Senator Ping Lacson na may natanggap siyang impormasyon na may P500 million allocables na halaga ng proyekto si Senator Rodante Marcoleta mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kasama sa ipinakita kahapon sa presentation ni Lacson ang isang sulat-kamay na naka c/o Marcoleta at may nakalagay na 500.

May naunang sinabi si Lacson na ang impormasyon ay galing sa abogado ni Cabral at ang impormasyong ito ay hindi pa hawak ng Ombudsman.

Gayunman, ang naturang hiling na allocables ay hindi naman iligal dahil dati naman na itong ginagawa pero nagkakaroon lamang ng problema kapag ang ibinigay na items ay substandard o naging ghost projects.

Samantala, hindi man direktang tinukoy ni Lacson si Marcoleta, mayroon ding ipinarating ang mga kongresista na myembro ng CA na mayroon umanong isang kongresista ang nambukol ng kapwa mambabatas noong panahon na kinumpirma ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan.

Nataon naman na ang Chairman ng Committee on Public Works and Highways ng panahong iyon ay si Marcoleta.

Nasa P1.5 billion aniya ang orihinal na hiniling na allocables sa DPWH pero P500 million lang ang ibinigay at walang nakuhang proyekto ang ibang kongresista.

Facebook Comments