
Aminado si Senator Imee Marcos na marami ring malalakas na kandidato mula sa ibang partido tulad ng PDP-Laban.
Ito ang naging tugon ni Marcos nang matanong kung kumpyansa ba siya na makukuha ng senatorial slate ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas ang straight 12-0 na boto sa darating na halalan.
Ayon kay Sen. Marcos, ayaw niyang magkomento tungkol sa paksang ito at alam niyang may mga malalakas ding kandidato sa katunggaling partido ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas.
Sinabi ng mambabatas na medyo sentimental siya sa usaping ito dahil noong 2019 ay magkakasama sila nina Senator Bong Go at Bato dela Rosa na nangampanya para sa Uniteam.
Ito aniya ang dahilan kaya naging independent na lamang siya dahil nasasaktan siya sa birahan ng dalawang panig.
Payo naman ng senadora sa mga kapwa kandidato na huwag pansinin ang magandang balita, huwag malugmok sa masamang balita at magdasal.