Sen. Nancy Binay, bukas ang panig para makipag-usap sa mga Cayetano ng Taguig

Handang makipag-usap si Senator Nancy Binay sa lokal na pamahalaan ng Taguig para ayusin ang isyu sa pagitan ng lungsod ng Makati at Taguig City.

Ngayong umaga, nakatakdang bumoto sa San Antonio Sports Complex ang senadora na tumatakbo namang alkalde ng Makati.

Sakaling palarin ngayong 2025 midterm elections, sinabi ni Binay na bukas palagi ang kanyang panig para makipag-usap at maisaayos anuman ang isyu ng Makati at Taguig.

Aniya, hindi kailangang mag-suffer o mahirapan ng mga taga-EMBO sa anumang gusot na mayroon ngayon sa pagitan ng dalawang lungsod kaya mainam na maisaayos ito agad.

Sa kabila naman ng isyu sa pamilyang Binay, sinabi ng senadora na isang araw lang ang eleksyon pero ang pagiging magkapatid ay habambuhay.

Kung mababatid, mahigpit na kalaban ni Senator Nancy sa pagka-alkalde sa Makati si Cong. Luis Campos na asawa naman ng kanyang kapatid na si Makati Mayor Abby Binay.

Facebook Comments