Sen. Pacquiao at PRRD, nagpulong para sa house speakership

454

Nagpulong sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Manny Pacquiao para pag-usapan ang nominee ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) hinggil sa house speakership.

Nagharap ang dalawa sa General Santos bago ang pamamahagi ng Pangulo ng Certificates of Land Ownership sa agrarian reform beneficiaries.


Ayon kay Senator elect Bong Go, kinausap ni Pacquiao ang Pangulo para isangguni kung sino ang isusulong na speaker ng PDP-Laban.

Pero wala pa aniyang tugon dito ang Pangulo pero nangako naman aniya ito na magkakaroon ng desisyon o sagot sa mga susunod na araw.

Kabilang sa pinagpipilian ng PDP-Laban na maging house speaker isabak sa sina Congressman Lourd Allan Velasco, Congressman elect at dati na ring house speaker Pantaleon Alvarez at Congressman Aurelio “Dong” Gonzales Jr.

Facebook Comments

From Advertisers