Sen. Pacquiao, kinabahan sa unang laban sa boksing ng anak

89

Nanlamig ang mga kamay at labis na kinabahan si Senator Manny Pacquiao sa unang laban ng kanyang 18-anyos na anak na si Jimuel kahit sa Whatsapp lang siya nanood.

Sabi ni Pacquiao, ang kanya namang misis na si Jinky ay napaiyak at hindi kinayang panoorin ang laban ng anak kahit sa video lang.

Ayon kay Sen. Pacquiao, ayaw talaga nila sana na mag boksing si Jimuel pero desidido ito kaya at pinagbigyan na lang nilang mag-asawa.

Sa amateur fight ni Jimuel nitong Sabado ay pinatumba niya sa ikalawang round ang 26-anyos na katunggali na si Maguel Egan.

Facebook Comments