Sen. Pacquiao, nag-alok ng P500,000 na pabuya laban sa mga suspek sa pagpatay sa flight attendant na si Christine Dacera

Nag-alok na si Senator Manny Pacquiao ng nasa ₱500,000 na pabuya para sa pagkaka-aresto ng mga suspek sa pagpatay sa flight attendant na si Christine Dacera sa isang hotel sa Makati City.

Sa isang panayam, nanawagan si Pacquiao sa mga nakasaksi sa pangyayari na humarap para mahuli na rin ang mga nasa likod ng krimen.

Personal niyang kilala ang Dacera family dahil galing din sila sa General Santos City.


Binigyang diin din ni Pacquiao ang muling pagbuhay sa death penalty.

Kaugnay nito, sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Police Brigadier General Vicente Danao Jr. na hindi pa maikokonsiderang sarado ang kaso dahil patuloy pa ring pinaghahanap ang iba pang suspek.

Facebook Comments