Sen. Risa Hontiveros, maghahain ng substitute bill kapalit ng kontrobersyal na Prevention of Adolescent Pregnancy Bill

Maghahain si Senator Risa Hontiveros ng substitute bill para amyendahan ang mga tinututulang probisyon sa ilalim ng kontrobersyal na Senate Bill 1979 o ang Prevention of Adolescent Pregnancy Bill.

Ang hakbang ni Hontiveros na palitan ang panukala ay kasunod na rin ng ginawang pagbawi ng pitong senador sa kanilang mga lagda sa committee report ng panukala.

Sinabi ni Hontiveros na nauunawaan niya ang mga konsiderasyon na naisip ng kaniyang mga kapwa senador para bawiin ang suporta sa bill.


Bilang pagtugon sa mga naging pagtutol sa panukala, nilinaw ni Hontiveros na tinanggal niya na ang katagang “guided by international standards” at nililimita na rin ang pagtuturo ng Comprehensive Sexuality Education sa sampung taong gulang pataas.

Mayroon na ring probisyon ang panukala na nagbibigay garantiya sa academic at religious freedom.

Muling binigyang-diin ni Hontiveros na kailanman ay hindi makakapasok sa panukala ang mga salita tulad ng masturbation, anal sex, oral sex o anumang konsepto na hindi akma sa mga bata.

Facebook Comments