Sen. Robin padilla, mayroon ding ihahain na resolusyon na nagpapabasura sa impeachment case laban kay VP Sara Duterte

Nilinaw ni Senator Robin Padilla na hindi pa niya naihahain ang draft ng resolution na nagpapabasura sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte.

Ito ang pahayag ni Padilla matapos na unang sabihin ni Senator Imee Marcos na may nai-file o naihaing resolusyon si Padilla na nagpapadismiss sa impeachment case ng bise presidente.

Ayon kay Padilla, wala pa siyang naihahain na resolusyon at hinihintay pa niya sina Sen. Imee at iba pang mga kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado.

Sinabi ng mambabatas na resolusyon niya lang iyon at iba pa ito sa naunang umikot na draft resolution ni Senator Bato dela Rosa.

Hindi rin niya kinonsulta tungkol dito si VP Sara.

Tumanggi naman si Padilla na sabihin ang nilalaman ng kanyang resolusyon.

Facebook Comments