Sen. Sonny Angara, positibo sa COVID-19

80

Malungkot na inihayag ni Senator Sonny Angara ang positibong resulta ng kanyang COVID-19 test.

Sabi ni Angara, ilang sintomas ng COVID-19 ang kanyang naranasan tulad ng bahagyang lagnat, ubo, sakit ng ulo at panghihina ng katawan.


Sumailalim sya sa COVID test noong March 16 at simula noon ay hindi na rin sya nakisalamuha sa publiko.

Humihiling ng panalangin si Angara, para malagpasan nating lahat ang matinding pagsubok na hatid ng COVID-19.

Umaasa si Angara na sa pamamagitan ng nagkakaisang sakripisyo at pagsisikap ay malalagpasan natin ang krisis na ito.

Diin ni Angara, makabubuting sundin ang lahat ng hakbang para mapigilan ang pagkalat ng virus at suportahan din ang ating mga frontliners na nakadeploy sa lansangan at nasa mga ospital.

Facebook Comments