Sen. Trillanes, hinamon si PRRD na patunayan ang alegasyon laban sa kanyang ina

448

Manila, Philippines – Hinamon ni Senator Antonio Trillanes IV si Pangulong Rodrigo Duterte na patunayang sangkot ang kanyang ina sa maanomalyang transaksyon sa Philippine Navy.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte na magsasagawa siya ng imbestigasyon at ipapa-subpoena pa ang 84-anyos na ina ng Senado.

Ayon kay Trillanes – mula pa noong Setyembre ng nakaraang taon, palaging sinasabi ng Pangulo na inutusan na niya ang iba’t-ibang ahensya na imbestigahan ang maanomalyang transakyon ng kanyang ina, subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya naglalabas ng ebidensya para patunayan ang kanyang walang basehang alegasyon.

Banat pa ni Trillanes – ituloy ng Pangulo na ipa-subpoena ang kanyang ina dahil tiyak siyang wala itong patutunguhan.

Dagdag pa ng senador – hindi siya kaya ng Pangulo kaya ang kanyang ina ang tina-target nito.

Facebook Comments